Maligayang araw, hapon at gabi po sa ating lahat, mga proud pinoy!
Hindi ko po makalimutan nong araw sa lugar namin. palagi po akong nakikinig sa radyo lalo na po ung mga drama sa radyo. Noong bata pa po kasi ako pag wala kaming klasi nagpapawid po ako. Alam nyo po yong gumagawa po ng pawid? yung ginagamit nilang atip sa bahay. Yun po, minsan nga hindi ako pumapasok sa school kasi gusto ko lang mag pawid hehehhee...So ayon, habang nagpapawid kami, kasi marami rin po gumagawa non mga kapit bahay ko po.
So pag sapit na po ng ala una nyan nag ko concentrate napo ako nyan kasi mag sisimula na ung paborito kung drama sa radyo. Ang title po ay "kini ang akong suliran" sa tagalog "ito ang aking suliran". Alam nyo po bisaya po kasi ako. Sinusulat ko lang sa tagalog para marami pwedeng maka basa o maka relate nito.
So yung "Ito ang aking suliran" na drama para cyang "maalaala mo kaya" . Actually dalawa yung pinapakinggan ko palagi. After kasi ng "kini ang akong suliran" kasunod non ung "Handomanan sa Usa ka Awit" sa tagalog " Alaala ng Isang Awit". Gusto ko cya mapakinggan kasi iba-iba kasi ung story nya. Katulad po ng "Maalaala Mo Kaya". Mga sulat din po ng mga tao yon, pinapadala sa station tapos ginawan po nila ng drama.
Doon po sa " Kini ang Akong Suliran" usually yung nagpapadala po ng sulat, lahat mga problema sa buhay nila na gusto nilang ma solusyonan. After ng programa na yan mayron mag a advice po si Dra. Lourdes Libres Rosaroso. Diba? maganda kasi kahit hindi ikaw ang nagpapadala nong sulat, may matututunan karin!
Ngayong nandito ako sa ibang lugar at hindi na ako nakaka kinig ng paborito kong drama sa radyo. Kaya po gumawa ako nito. Ang mga storya pong nasa ibaba ay hindi po galing sa akin yan. Yan po ay mga storya galing sa mga nakikilala kong nag ba blog din po. So, sana kung mayron kayong maipapayo share nyo po yung opinion at ideas ninyo dito.
Kung mayron po kayong gustong e share na story po ng buhay nyo o problema na gusto nyo po e share para mapa kingggan ng ating mga kababayan pwede po kayong mag email sa akin sa loveradiomusic@gmail.com. Bibigyan po natin ng buhay yung sulat ninyo. Hindi po ako ang mag a advice! hehehe...Ang nanonood po ang mag a advice! Katulad nalang po nong isa kung ginawang video. http://www.youtube.com/watch?v=CasPOEtnBZg kung makikita nyo marami pong mga comments dyan at may advice din. Email nyo lang po nick name ninyo, ung lugar, at yung story. Yon lang po, Sana magustuhan nyo to. Wag den po ninyong kalimutan mag share at mag subbscribe den po. Thanks Again! God Bless us All!
No comments:
Post a Comment